Tuesday, September 4, 2012

Alas Kwatro

Mag-aalas kwatro na ng umaga pero gising pa rin ako. Ganito na ang nakasanayan ko. Kung wala ako sa Facebook, nasa Tumblr o kaya nagdra-drop sa Entrecard.

Wednesday, April 6, 2011

Win 7 Home Security 2011 - Pekeng Antivirus

Wahhhh! Ang tagal ko ng di nagagawi dito. Hay naku, nakaka-stress. Pano, may na-download akong Win 7 Home Security 2011. What the f? Kainis talaga. Stressed na stressed ako. Hay, buti na lang naayos din ng prinsipe ko. Nakakaawa nga e kasi galing pa siya Nova, nagset-up ng computer shop. Di pa siya natutulog. 

Nag-start siyang magwork kahapon mga 12 ng tanghali. Mga 3 ng madaling araw na ata siya natapos. Naninikip tuloy dibdib ko sa kaba dahil sa fake antivirus na yan tapos imbes na magpahinga prinsipe ko e ginawa pa yung computer na may pekeng antivirus. 

Anyway, punta po kayo dito - http://rockbleeder.blogspot.com/. Salamat :)

Friday, February 11, 2011

Ano Ba?

Ang sakit ng ulo ko. Ang init pa ng panahon. Kainis.

Wednesday, February 9, 2011

Hwebes Na

Yes, Hwebes na, makakapaghilamos na rin ako! Naligo na ako kanina pero hinihintay ko pa mag-ala-una para saktong tatlong araw pagkatapos ng warts removal.

Lagkit Pa rin Mukha Ko

Bwiset talaga. Ang lagkit ng pakiramdam ko maghapon. Nilalagnat na nga ako. Naligo ako kanina pero di ko binasa mukha ko. Wag niyo na tanungin kung pano ako naligo basta yun na yun. Bawal pa rin kasi basahin mukha ko.

Bukas, pwede na ako maligo. Kailangang magtiis kesa naman kumalat pa yung facial warts. Hmp.

Tuesday, February 8, 2011

Warts Removal

Ang kati at ang lagkit ng mukha ko. Nagpatanggal kasi ako warts sa mukha ko. Kainis, Tatlong araw di pwede basahin mukha ko tapos may ipinapahid pa akong treatment cream. Lagkit tuloy ng pakiramdam ko. Tapos kailangan ko pa magbantay ng shop. Kainis. Nangingitim na mukha ko dahil nagpepeklat na. Sana Hwebes na para makapaghilamos na ako.

Mga Jejemon Talaga (Part 2)

Hay naku, kakainis. May Facebook pero di niya alam Google. Ano ba? Mas nauna pa nga Google kesa Facebook. Magtatanong kung wala daw kaming Google? Ano ba, i-type niyo sa browser niyo google.com. Hay naku. Naha-highblood ako.

Tapos di pa alam magsave ng picture. Di ko na trabaho yan no. Dami ko pa gagawin. Kung gusto niyo ako na lang gumawa project niyo, bayaranm niyo ako. Hmp.

Friday, January 14, 2011

Sinangag at Pritong Itlog (Silog)

Eto ang ulam namin kanina. Sarap no? Paborito ko kasi ang itlog kaya kahit gabi, itlog pa rin ulam.



Punta kayo dito ------> http://www.chocoalmondsfactory.com/. Masasarap pagkain dyan. :)

Paano Magkapera Gamit ang Internet?

May tinalakay ang aking prinsipe sa kanyang website kung pano kumita ng pera habang nasa bahay o kaya nasa ofis habang nakatengga o breaktime. Imbes na makipagchat ka maghapon sa mga kaibigan mo sa Facebook, dito ka na, magkakapera ka pa. Pero pwede namang makipagchat habang gumagawa depende kung marunong kang magmulti-task o pagsabay-sabayin ang mga gawain.

Tuesday, January 11, 2011

Manggang Hilaw na may Bagoong Alamang (2)

Adik na adik ako sa manggang hilaw na may bagoong alamang. Kaya kala ng mga taong nakakakita sakin, naglilihi daw ako. Ganun? E di lahat na ng mga kumakain ng manggang hilaw e naglilihi na.

Bologna With Pork and Beans

Eto ang ulam namin kagabi, Bologna na iginisa sa Pork and Beans. Mas masarap kung ham sana o hotdog ang kasama ng Pork and Beans pero hayaan mo na, masarap naman e. Sa ibang araw na lang yun.


Friday, January 7, 2011

Mga Jejemon Talaga (Part 1)

Hay naku, andito na naman si kuya (di ko kapatid, basta kuya tawag ko sa mga lalakeng kostumer. Ilang beses na nagpa-print dito ng wallet size picture. Di ako nagkakamali, puro mukha niya pinapa-print.

Thursday, January 6, 2011

Ang Sakit ng Likod Ko

Ang sakit ng likod ko grabe. Parang napaso na pinahiran ng Vicks. Kailan kaya ako uli makakapagpamasahe? Tagal na yung huli kong masahe sa bulag. Mga July pa ata. Sobrang busy kasi kaya di makalabas. Pag home service naman, di rin pwede. Di ko maasikaso. Hays.

Saturday, January 1, 2011

Pagsalubong sa Bagong Taon

Away Magkapatid

Kahapon, may isang customer na naglalaro. Inistorbo siya ng kanyang batang kapatid. Gusto daw maglaro din ng Ninja Saga. Sabi ng kuya, "Di ka naman marunong e." Pero pinagbigyan din ang kapatid. Pinadagdagan ang oras ng 20 minutes at nagbayad ng sampung piso kasama na ang 20 minutes na naunang oras niya.

Friday, December 31, 2010

Bagong Taon sa Amoy Araw na Mga Bata

Ang aga naming nagising kanina. Kailangan eh. Daming lilinisin, magluluto pa para sa Media Noche. Syempre, kailangang malinis ang shop at bahay bago magbagong-taon para swertehin buong taon.

Thursday, December 30, 2010

Peysbuk ni Nene

Eto na naman. Gumawa na naman ng bagong Facebook etong si Nene. Ang mga bata talaga, marunong na. Gawa sila ng gawa pero di naman gumagawa ng account sa Yahoo para i-confirm ang Facebook account nila. Kung ano-ano na lang nilalagay na email address kasi mag-eenter ka lang naman ng email address pag nag-sign-up ka. Yun nga lang, limited lang pwede mong gawin sa Facebook kasi nga kailangan pang i-confirm yun sa inilagay na email address. Pano pag wala kang ginawang Yahoo account? E di pano na lang kung nakalimutan mo password mo sa Facebook?

Wednesday, December 29, 2010

Pancit Canton At Pritong Itlog

Mga 8:30 na nung matapos ang trabaho, nagluto ako ng hapunan. Alam mo kung ano? Pancit Canton na may pritong itlog. Sarap nun! :P

Peysbuk

Habang nasa server ako, narinig kong nag-uusap ang tatlong batang babae, siguro isang pitong taon, isang siyam na tao at isang sampung taon. Sabi ng isa, "Pinalitan ni Paulyn ung password mo." "Bat niya pinalitan?" sabi naman ng isa.

Manggang Hilaw na may Bagoong Alamang

Alas-kuatro. Kagigising ko lang. Akoy'bumaba sa shop at naupo saglit. Inaantok pa rin ako. Ang lamig ng simoy ng hangin.Dalawang araw na lang at bagong taon na. Naggupit ako ng mga wallet size. Mga trenta piraso yun.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...