Saturday, January 1, 2011

Away Magkapatid

Kahapon, may isang customer na naglalaro. Inistorbo siya ng kanyang batang kapatid. Gusto daw maglaro din ng Ninja Saga. Sabi ng kuya, "Di ka naman marunong e." Pero pinagbigyan din ang kapatid. Pinadagdagan ang oras ng 20 minutes at nagbayad ng sampung piso kasama na ang 20 minutes na naunang oras niya.

Hinanap ng kapatid yung sukli niya, kasi yung 20 minutes lang ang sa kanya. Ayaw ibigay ng kuya ang sukli kasi may natitira pa siyang oras at ang kapatid naman ang gumamit. Ayun, nagbatukan ang dalawa at nasiko pa ng isa yung aleng mataray. Naiwang umiiyak ang mas bata. Dahil di naman marunong, nasayang lang ang 20 minutes at di nakapaglaro. Paano, nira-run ko na nga y8.com, kung ano-ano pinipindot tapos klino-close ang browser. Pag ni-run ko uli, ganun na naman. Ako din napagod.

Binigyan ko na lang ng keychain para pampalubag loob.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...