Friday, December 31, 2010

Bagong Taon sa Amoy Araw na Mga Bata

Ang aga naming nagising kanina. Kailangan eh. Daming lilinisin, magluluto pa para sa Media Noche. Syempre, kailangang malinis ang shop at bahay bago magbagong-taon para swertehin buong taon.

8:30 ng umaga kami nagbukas ng shop. Apaw agad. Apaw ng mga tambay na mga bata. Dalawa lang yung naglalaro, lima ang usyuso. Buti sana kung nakapaligo na. Kahit umuulan, amoy araw pa rin. :D Kahit ilang litro ng pabango ang iwisik sa buong shop kung ang kustumer ay mabaho, nangingibabaw pa rin baho. Kung minsan, di na tinatapos ng iba yung laro e dahil mabaho ang katabi. Haha!

Pero ok lang basta di naman ako mamamatay sa amoy mo.  

Mag-aalas-singko na ng hapon. Hay. Dami pa aayusin. Mga tambak na mga scratch, mga karton ng pyesa ng kompyuter, di pa rin naayos. Buti lang naka-quota na.

Ilang oras na lang bagong taon na. Excited na ako. Sana mabiyaya ang darating na taon lalo na sa negosyo namin. Maghari sana ang kapayapaan at pagmamahalan. :)

Manigong Bagong Taon sa ating lahat! 

Kailangan ko pang ayusin yung ipamimigay na keychain sa mga customer. Yung keychain na rectangle ubos na. Meron pang apple-shaped, flower-shaped at dolphin-shaped. Mas naunang naubos at naipamigay yung rectangle kasi madali lang gupitin. Ang nilagay namin dun e logo ng shop at sa likod ay picture ng Facebook o Ninja Saga o di kaya si Barbie Forteza, Justin Bieber at Charice Pempengco (kasi sila idol ng mga bata ngayon).


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...