Thursday, December 30, 2010

Peysbuk ni Nene

Eto na naman. Gumawa na naman ng bagong Facebook etong si Nene. Ang mga bata talaga, marunong na. Gawa sila ng gawa pero di naman gumagawa ng account sa Yahoo para i-confirm ang Facebook account nila. Kung ano-ano na lang nilalagay na email address kasi mag-eenter ka lang naman ng email address pag nag-sign-up ka. Yun nga lang, limited lang pwede mong gawin sa Facebook kasi nga kailangan pang i-confirm yun sa inilagay na email address. Pano pag wala kang ginawang Yahoo account? E di pano na lang kung nakalimutan mo password mo sa Facebook?

Tapos binibigay sa mga kaibigan yung password tapos etong kaibigan naman, bnubuksan pag wala yung isa tapos magco-comment at magpo-post sa kahit kaninong wall. Tapos pag nalaman ng may-ari ng Facebook ang pinaggagawa ng kaibigan, mag-aaway. Hay, mga bata talaga.

Pag friend mo sila sa FB, i-offline mo na chat mo kasi tatadtarin ka ng chat. Mga paisa-isang letra, mga emoticons. Hay, masisira keyboard e.

Eto pa, may promo kasi kami na P5 = 20 minutes. Ayun, patok sa mga bata. Adik na adik sa Facebook e. Lahat na ata ng bata dito may Facebook na.

Five minutes bago mag-time, may warning na yun. Tapos pag seconda na lang, nagbli-blink yun so alam mo na malapit ka ng mag-time at may oras ka pa para mag-log-out. Etong mga bata naman, pag naabutan ng time, sasabihin, ay di ako nakalog-out. Hala. Matatawa ka na lang e. Pero di maha-hack account nila kasi automatic na pag nag-time ka, log-out na lahat. Walang History. Kahit di pa napatay CPU. Kaya walang problema. Yun nga lang, pag binigay mo password mo sa iba, syempre mabubuksan nila account mo. Magagawa nila gusto nila sa Facebook mo at ilalagay dun na bakla ka. Haha! :P

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...