Showing posts with label Samu't Sari. Show all posts
Showing posts with label Samu't Sari. Show all posts
Friday, February 11, 2011
Ano Ba?
Ang sakit ng ulo ko. Ang init pa ng panahon. Kainis.
Wednesday, February 9, 2011
Hwebes Na
Yes, Hwebes na, makakapaghilamos na rin ako! Naligo na ako kanina pero hinihintay ko pa mag-ala-una para saktong tatlong araw pagkatapos ng warts removal.
Lagkit Pa rin Mukha Ko
Bwiset talaga. Ang lagkit ng pakiramdam ko maghapon. Nilalagnat na nga ako. Naligo ako kanina pero di ko binasa mukha ko. Wag niyo na tanungin kung pano ako naligo basta yun na yun. Bawal pa rin kasi basahin mukha ko.
Bukas, pwede na ako maligo. Kailangang magtiis kesa naman kumalat pa yung facial warts. Hmp.
Bukas, pwede na ako maligo. Kailangang magtiis kesa naman kumalat pa yung facial warts. Hmp.
Tuesday, February 8, 2011
Warts Removal
Ang kati at ang lagkit ng mukha ko. Nagpatanggal kasi ako warts sa mukha ko. Kainis, Tatlong araw di pwede basahin mukha ko tapos may ipinapahid pa akong treatment cream. Lagkit tuloy ng pakiramdam ko. Tapos kailangan ko pa magbantay ng shop. Kainis. Nangingitim na mukha ko dahil nagpepeklat na. Sana Hwebes na para makapaghilamos na ako.
Mga Jejemon Talaga (Part 2)
Hay naku, kakainis. May Facebook pero di niya alam Google. Ano ba? Mas nauna pa nga Google kesa Facebook. Magtatanong kung wala daw kaming Google? Ano ba, i-type niyo sa browser niyo google.com. Hay naku. Naha-highblood ako.
Tapos di pa alam magsave ng picture. Di ko na trabaho yan no. Dami ko pa gagawin. Kung gusto niyo ako na lang gumawa project niyo, bayaranm niyo ako. Hmp.
Tapos di pa alam magsave ng picture. Di ko na trabaho yan no. Dami ko pa gagawin. Kung gusto niyo ako na lang gumawa project niyo, bayaranm niyo ako. Hmp.
Friday, January 7, 2011
Mga Jejemon Talaga (Part 1)
Hay naku, andito na naman si kuya (di ko kapatid, basta kuya tawag ko sa mga lalakeng kostumer. Ilang beses na nagpa-print dito ng wallet size picture. Di ako nagkakamali, puro mukha niya pinapa-print.
Thursday, January 6, 2011
Ang Sakit ng Likod Ko
Ang sakit ng likod ko grabe. Parang napaso na pinahiran ng Vicks. Kailan kaya ako uli makakapagpamasahe? Tagal na yung huli kong masahe sa bulag. Mga July pa ata. Sobrang busy kasi kaya di makalabas. Pag home service naman, di rin pwede. Di ko maasikaso. Hays.
Saturday, January 1, 2011
Away Magkapatid
Kahapon, may isang customer na naglalaro. Inistorbo siya ng kanyang batang kapatid. Gusto daw maglaro din ng Ninja Saga. Sabi ng kuya, "Di ka naman marunong e." Pero pinagbigyan din ang kapatid. Pinadagdagan ang oras ng 20 minutes at nagbayad ng sampung piso kasama na ang 20 minutes na naunang oras niya.
Friday, December 31, 2010
Bagong Taon sa Amoy Araw na Mga Bata
Ang aga naming nagising kanina. Kailangan eh. Daming lilinisin, magluluto pa para sa Media Noche. Syempre, kailangang malinis ang shop at bahay bago magbagong-taon para swertehin buong taon.
Thursday, December 30, 2010
Peysbuk ni Nene
Eto na naman. Gumawa na naman ng bagong Facebook etong si Nene. Ang mga bata talaga, marunong na. Gawa sila ng gawa pero di naman gumagawa ng account sa Yahoo para i-confirm ang Facebook account nila. Kung ano-ano na lang nilalagay na email address kasi mag-eenter ka lang naman ng email address pag nag-sign-up ka. Yun nga lang, limited lang pwede mong gawin sa Facebook kasi nga kailangan pang i-confirm yun sa inilagay na email address. Pano pag wala kang ginawang Yahoo account? E di pano na lang kung nakalimutan mo password mo sa Facebook?
Wednesday, December 29, 2010
Peysbuk
Habang nasa server ako, narinig kong nag-uusap ang tatlong batang babae, siguro isang pitong taon, isang siyam na tao at isang sampung taon. Sabi ng isa, "Pinalitan ni Paulyn ung password mo." "Bat niya pinalitan?" sabi naman ng isa.
Subscribe to:
Posts (Atom)