Wednesday, December 29, 2010

Peysbuk

Habang nasa server ako, narinig kong nag-uusap ang tatlong batang babae, siguro isang pitong taon, isang siyam na tao at isang sampung taon. Sabi ng isa, "Pinalitan ni Paulyn ung password mo." "Bat niya pinalitan?" sabi naman ng isa.


Binibigay nila password nila tapos pag nabura o na-hack naman  Facebook nila, iiyak-iyak. Bata-bata pa, may mga Facebook na. May mga crush na din. Hay. Nung ako ang bata, walang ganyan.

Tapos may narinig pa ako na nakakatuwa. Ka-chat nitong si paulyn ate niya na nasa Japan. Tinanong niya sa chat kung kumusta ang Christmas ng kapatid, ang sagot "Nothing much interesting." Tinanong ni Mang Sani sa anak na si Paulyn kung anong ibig sabihin nun at kung ano ba daw sinabi niya at ganun sagot. Sabat naman ni Java, (pitong taon), "Mang Sani, ibig sabihin nun, wala daw silang handa." LOL :D

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...