Wednesday, December 29, 2010

Manggang Hilaw na may Bagoong Alamang

Alas-kuatro. Kagigising ko lang. Akoy'bumaba sa shop at naupo saglit. Inaantok pa rin ako. Ang lamig ng simoy ng hangin.Dalawang araw na lang at bagong taon na. Naggupit ako ng mga wallet size. Mga trenta piraso yun.

Nung matapos na ako, naupo uli ako at kinuhanan ang sarili ng litrato. Nang bigla kong nakitang dumaan ang naglalako ng manggang hilaw na may bagoong alamang. Tinawag ko at bumili ako ng dalawa, isa sa akin at isa sa aking prinsipe. Siyete isa. Sayang, dapat dalawa na lang binili ko para sa akin. Sarap! :P




Para sa masasarap na pagkain, maaaring magpunta po dito - http://www.chocoalmondsfactory.com/

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...