Wednesday, February 9, 2011

Lagkit Pa rin Mukha Ko

Bwiset talaga. Ang lagkit ng pakiramdam ko maghapon. Nilalagnat na nga ako. Naligo ako kanina pero di ko binasa mukha ko. Wag niyo na tanungin kung pano ako naligo basta yun na yun. Bawal pa rin kasi basahin mukha ko.

Bukas, pwede na ako maligo. Kailangang magtiis kesa naman kumalat pa yung facial warts. Hmp.

Tuesday, February 8, 2011

Warts Removal

Ang kati at ang lagkit ng mukha ko. Nagpatanggal kasi ako warts sa mukha ko. Kainis, Tatlong araw di pwede basahin mukha ko tapos may ipinapahid pa akong treatment cream. Lagkit tuloy ng pakiramdam ko. Tapos kailangan ko pa magbantay ng shop. Kainis. Nangingitim na mukha ko dahil nagpepeklat na. Sana Hwebes na para makapaghilamos na ako.

Mga Jejemon Talaga (Part 2)

Hay naku, kakainis. May Facebook pero di niya alam Google. Ano ba? Mas nauna pa nga Google kesa Facebook. Magtatanong kung wala daw kaming Google? Ano ba, i-type niyo sa browser niyo google.com. Hay naku. Naha-highblood ako.

Tapos di pa alam magsave ng picture. Di ko na trabaho yan no. Dami ko pa gagawin. Kung gusto niyo ako na lang gumawa project niyo, bayaranm niyo ako. Hmp.

Friday, January 14, 2011

Sinangag at Pritong Itlog (Silog)

Eto ang ulam namin kanina. Sarap no? Paborito ko kasi ang itlog kaya kahit gabi, itlog pa rin ulam.



Punta kayo dito ------> http://www.chocoalmondsfactory.com/. Masasarap pagkain dyan. :)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...